Umaabot na sa limang libong bata ang napapakain ng Hapag-asa Integrated Nutrition Program sa Marawi City.

Ito ang tiniyak ni Hapag-asa Program Manager Angie Sapitula-Evidente nitong Sabado, simula nang ilunsad ang mga feeding program sa lungsod noong September 2022.

Bagamat malayo pa mula sa target na 15-libong mga bata ang mapakain, ay nagtitiwala si Evidente na bago magtapos ang 2023 ay makakamit din nila ito.

"So this is a part of the 'Build Back Marawi' and we are trying to target all the elementary schools in Marawi, namahagi tayo dito ng mga ating food commodities na Manna Pack that the parents of the Children in school will help prepare this Manna Packs to be fed to their children," ayon kay Evidente, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aniya pa, patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Hapag-asa sa lokal na pamahalaan dahil bukod sa Pondo ng Pinoy at Assisi Foundation, katuwang din sa feeding programs ang Seaoil Foundation, Gawad-Kalinga at Department of Education.

Sinabi ni Evidente na mananatiling handa ang Hapag-asa sa kabila ng pansamantalang pagtigil ng mga feeding programs sa Marawi ng dahil sa pagsisimula ng Ramadan sa Marso 22.

"But after, because of some construction in the central kitchen, their target after Ramadan is to reach that 15-thousand target plus more, that's why pinamigay na nila at ibinahagi na nila yung mga Manna Packs in the different schools and sa ngayon katulong nung mothers na naghahanda yung mga teachers," dagdag pa niya. Evidente.

Magugunitang 2017 ng maganap ang digmaan sa Marawi City sa pagitan ng sandatahang lakas ng Pilipinas laban sa Maute terrorist group kung saan 360-libong nawalan ng tirahan.

Batay sa datos ng Marawi City Government, 5% ng populasyong aabot ng 200,000, ay pawang mga malnourished children.

Batay naman sa datos ng "Task Force Bangon Marawi" noong Hulyo 2022, sa kabila ng pagpapatuloy ng Marawi Rehabilitations Efforts, ay umaabot parin sa mahigit 84,000 ang walang tirahan na katumbas ng 17,000 pamilya.