Limang tripulanteng Japanese ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos masiraan ang kanilang barko sa Oriental Mindoro nitong Sabado ng umaga.
Sa Facebook post ng PCG, kaagad na nagsagawa ng search and rescue operation ang mga tauhan nila na naka-base sa Southern Tagalog at Oriental Mindoro matapos matanggap ang impormasyon kaugnay sa insidente.
Natagpuan ng mga rescue team ang mga tripulanteng sakay ng MV Catriona sa karagatang sakop ng Navotas, Calapan.
Kaagad na sinagip ang limang tripulante.
Sa report ng PCG, patungo sana sa Davao ang barko mula sa Japan nang biglang masiraan hanggang sa tumagilid dakong 6:30 ng umaga.
Nakilala ang limang tripulante na sinaItsuo Tamura, 86; Hiromu Nishida, 83; Hamagato Tsukasa, 80; Osamu Kawakami, 74; at Hata Isamu, 74.
Isinailalim muna sa medical check-up ang limang tripulante at tiniyak ang kanilang maayos na kondisyon.