Umabot na sa 19,000 na pamilya ang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro, ayon sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Sabado.

"'Yung bagong tala ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, 'yung provincial level, nasa 19,000," pagdidiin ni DSWD Rex Gatchalian sa isang radio interview.

Aniya, binibigyan na nila ng food packs ang mga ito hangga't hindi sila makapangisda.

Isa aniya sa bawat apektadong pamilya ang kinukuha ng DSWD upang bigyan ng pagkakakitaan sa ilalim ng cash-for-work program ng ahensya.

Probinsya

Magsasakang dalawang araw nang nawawala, nakitang pugot ang ulo

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28 habang naglalayag patungong Iloilo mula Bataan matapos hampasin ng malalaking alon.

Karga ng oil tanker ang 800,000 litrong industrial fuel oil nang maganap ang insidente.