Magbabalik-telebisyon ang aktres na si Yassi Pressman para sa kaniyang first-ever sitcom na 'Kurdapya' na mapapanood sa TV5.

Ang 'Kurdapya' ay likha ni Pablo S. Gomez noong 1954 na pinagbidahan ng batikang aktres na si Gloria Romero.

Bago pa man daw inalok ng Viva kay Yassi ang Kurdapya hindi daw kaagad ito nakapag-decide kahit excited siyang gampanan ito.

“Opo na-excite po ah… yung una nga po actually to be honest sinabi ko napuwede ko po bang pag-isipan muna. Kasi kinakabahan po ako dahil sa pressure at hindi ko po yata yun forte. Kaya sabi ko kaya ko ba? Sabi nila, subukan na lang daw. Kaya tinake ko naman yung challenge," sey ng aktres sa naganap na mediacon last March 9.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Hindi rin naman kasi biro ang role dito ni Yassi dahil dalawang Yassi Pressman ang bibida sa twintastic komediserye, si Kuring at si Daphne. Challenge talaga sa kaniya ang gumawa ng comedy nahindi niya nakasanayanggawin. Pero bilib at natuwa ang kanilang director na si Direk Easy Ferrer sa dedication na ipinakita ni Yassi sa pagpapatawa.

Maging ang mga kasama niya sa Kurdapya na sina Ryza Cenon, Marco Gumabao at Nikko Natividad ay mga pawang na-challenge sa kani-kanilang ginagampanang role kumbaga wala sa kanilang comfort zone ito.

Doon naman kasi talaga masusukat yung galing ng isang artista kapag nagawa niya ng tama yung role na hindi nakasanayan.

Kaya nga ayon kay Marco, “everyone is working together to make the show work.” Dahil nagkasama na raw sila noon sa ibang project kaya may nabuo na raw chemistry sa kanilang lima, off screen and on screen. Swak talaga ang casting ng Kurdapya na hatid ng TV5 at ng Viva Television.

Dahil nga nagko-comedy na ngayon si Yassi, ano naman kaya ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya?

“Marami… pagkain, pamilya, my friends. Ngayon po ang bago pong nagpapasaya sa akin ay is “lone time” na dati po takot na takot ako. Now I really appreciate having an alone time.”

Wish naman ni Yassi na makapagbakasyon sa Japan para makakita ng snow uli kaso sa hectic ng schedule niya ngayon mukhang malabong mangyari. Maski ang summer plan daw niya ay gusto niyang magtrabaho para makagawa ng isang pelikula.

Samantala, kasama rin sa Kurdapya sina Katya Santos, Candy Pangilinan at si Lander Vera-Perez.

Mapapanood ang Kurdapya sa March 18, 6:00 PM at magkakaroon naman  ng catch-up airings sa Sari Sari Channel (Available sa Cignal Ch. 3) tuwing Linggo, 8:00 pm simula sa Marso 19.