Sa ikatlong pagkakataon, nahalal muli si Xi Jinping bilang pangulo ng China nitong Biyernes, Marso 10.

Sa ulat ng Agence France Presse, inaasahan na ang pag-appoint ng rubber-stamp parliament ng China kay Jinping matapos siyang maging limang taong pinuno muli ng Communist Party (CCP) at military noong Oktubre.

Ang CPP at military umano ay dalawang mahalagang leadership positions pagdating sa pulitika ng China.

Ibinahagi naman sa AFP ni Adrian Geiges, co-author ng biography na pinamagatang "Xi Jinping: The Most Powerful Man in the World", na nais daw ni Jinping ang kapangyarihan bilang pinuno ng China hindi dahil sa pansariling interes, sa kabila ng imbestigasyon ng international media na nagsiwalat umano ng nakamal na yaman ng kaniyang pamilya.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

"He really has a vision about China, he wants to see China as the most powerful country in the world," ani Geiges.