Isiniwalat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakikita nitong hindi magiging madali ang pagsasagawa ng retrieval operation sa mga labi ng anim na biktimang sakay ng bumagsak na Cessna 206 dahil umano sa matarik na lupain ng pinagbagsakan nito sa bulubundukin ng Brgy. Ditarum, Divilacan Isabela.

Ayon sa PCG, malaking hadlang sa pagbaba nila ng labi ng mga biktima ang “matatarik na bundok at napakahirap tawiring ilog”.

Umaasa na lamang daw ang retrieval team na magkaroon ng magandang panahon para maidala nila ang mga nasabing labi sa Cauayan City at maiproseso ng Scene-of-the-Crime Operatives.

Nito lamang Huwebes, Marso 9, nang madiskubre umano ng personnel mula sa Coast Guard Sub-Station Maconacon, Coast Guard K9 Force, Coast Guard Special Operations Unit-Northeastern Luzon, at Rescue 715 Maconacon ang mahigit isang buwan nang nawawala na Cessna 206.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Samantala, kinumpirma rin ng mga awtoridad sa naturang araw na walang nakaligtas sa anim na sakay ng eroplano.

BASAHIN: Mga sakay ng natagpuang Cessna 206 sa Isabela, kumpirmadong patay

Matatandaang naiulat na nawawala ang nasabing Cessna plane noong Enero 24 matapos umalis sa Cauayan City Airport upang magtungo sana sa bayan ng Maconacon, Isabela.