Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Biyernes, Marso 10, na umabot na sa baybay-dagat ng Taytay, Palawan ang oil spill na naging epekto ng paglubog ng MT PRINCESS EMPRESS sa Naujan, Oriental Mindoro.

Sa Facebook post ng PCG, pinuntahan umano ng kanilang mga personnel ang Brgy. Casian, Taytay, Palawan, matapos nilang makatanggap ng balita mula kay Brgy. Captain Norbert Lim at sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Taytay na inabot na ang lugar nila ng oil spill.

"Humigit-kumulang 159 nautical miles o 295 kilometro ang layo ng Barangay Casian, Taytay, Palawan sa katubigan ng Naujan, Oriental Mindoro," saad ng PCG.

Nang makumpirma ito, agad naman umanong sinimulan ng PCG ang kanilang pagsisiyasat at paglilinis sa lugar upang "maitaguyod ang kaligtasan ng mga residente".

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matatandaang naiulat na lumubog ang MT PRINCESS EMPRESS na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa Naujan, Oriental Mindoro noong dahil umano sa alon noong Pebrero 28.