Sinalakay ng mga awtoridad ang ilang bahay niNegros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. nitong Biyernes ng madaling araw, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP public information chief, Col. Redrico Maranan, isinagawa ng mga tauhan ngCriminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsalakay sa layuning makahanap ng loose firearms o mga baril na hindi lisensyado.
Kabilang sa sinalakay ang tatlong bahay ng kongresista sa Bayawan City at isang resort sa Basay sa naturang lalawigan.
Sinabi ng PNP na ang operasyon ay tugon sa naiulat na nagtatago umano ng mga baril ang kongresista.
Bahagi rin umano ito ng imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo kamakailan.
Hindi pa binanggit ng PNP ang naging resulta ng operasyon.Nitong Martes, nagsampa ang CIDG ng kasongmultiple murder laban kay Teves hinggil sa sunud-sunod na pamamaslang sa Negros Oriental noong 2019.
Bukod kay Teves, ipinagharap din ng kahalintulad na kaso sinaRichard Cuadra, Jasper Tanasan, Alex Mayagma, Rolando Pinili, at isang "Hannah Mae" na umano'y secretary ng kongresista.
Sa reklamo, binanggit na kasangkot umano ang mga akusado sa nangyaring pamamaslang malapit sa SilimanMedical Center noong Marso 25, 2019.
Isinasangkot din ang mga ito sa magkasunod na pagpatay sa Sitio Labugon, Brgy. Nago-alao, Basay Negros Oriental noong Mayo 26, 2019 at sa Brgy. Malabugas sa nasabi ring lalawigan noong Hunyo23, 2019.