Tahasang tinawag ni Lolit Solis na ilusyunada ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Marso 10.

Matatandaang sunud-sunod ang naging rebelasyon ni Liza sa kaniyang interview sa YouTube channel ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen-- may mga hindi natuwa at may mga nagtanggol naman sa kaniya.

BASAHIN: 

Mga rebelasyon ni Liza Soberano kay Bea Alonzo, usap-usapan

Sa isang Instagram post ni Lolit, sinabi niya na sana raw ay maging aral sa mga artista na ingatan at isipin munang maigi bago magsalita. Aniya pa, wala naman daw rason para magrant o magsalita si Liza.

"Siguro naman naging aral sa mga stars na ingatan at mag isip muna bago magsalita gaya ng ginawa ni Liza Hope Soberano. Wala naman reason para siya mag rant o magsalita, tapos para pang utang na loob natin na pumasok siya sa showbiz," anang showbiz columnist.

Dito ay tinawag niyang ilusyunada ang dating Kapamilya actress.

"Bongga siya ha, ilusyonada talaga. Sana nga sumikat siya at maging super mega star of all season para magkaroon siya ng clear mind sa mga nagaganap sa buhay niya.

"Nice move kaya mga itinuro ni James Reid sa kanya ? Tignan natin," dagdag pa niya. 

Hindi ito ang unang beses na pinatutsadahan niya si Liza. Sa katunayan, kamakailan nagsalita rin si Lolit matapos basagin ng aktres ang katahimikan tungkol sa panibagong tinatahak na career.

“Iyon pagbubukas ni Liza ‘Hope’ Soberano ng pandora box, iyan ang laging hinaing ng bawat star na sandaling nakarating sa itaas. Pag nasa itaas na kasi sila para bang saka lang nila nakita iyon mga bagay na nagiging reklamo nila. Para bang utang na loob pa ng mga taong nakasama nila ang narating nila.Iyon false feeling of sacrifice na sinasabi nilang nangyari sa kanila. Iyon nawalan sila ng identity, iyon privacy, iyon naging para silang puppet,” sey ni Lolit sa kaniyang IG post noong Marso 1.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/02/lolit-solis-may-patutsada-rin-kay-liza-soberano-wake-up-girl-gumising-ka-sa-katotohanan-ng-buhay/