Nagsasabi lamang daw ng totoo ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano sa inilabas niyang vlog na naglalatag ng kaniyang tunay na karanasan.

Sa naturang vlog, matatandaang idinetalye ni Liza na mula pa noong nagsisimula pa lamang siya, marami nang bagay na oo na lamang siya nang oo at gumagalaw batay sa sinasabi sa kaniya ng iba, dahil may imahe siyang kailangang alagaan. Maging ang pagpili niya ng screen name na “Liza” mula sa tunay na pangalang “Hope Elizabeth Soberano” ay hindi raw niya choice.

BASAHIN ANG BUONG PAHAYAG:https://balita.net.ph/2023/02/26/liza-soberano-binasag-ang-katahimikan-tungkol-sa-panibagong-tinatahak-ng-career/

Sa eksklusibong panayam ni Tito Boy kay Liza nitong Biyernes, Marso 10, inisa-isa niya ang mga detalyeng nabanggit ng aktres sa vlog nito.

Liza Soberano, tahasang inaming nasaktan siya sa komento ni Boy Abunda: 'I felt misunderstood by you'

Dito nabanggit ni Liza na nagsasabi lamang siya ng totoo at sinabi niyang hindi niya na-enjoy ang kabataan niya dahil kinailangan niyang magtrabaho sa murang edad.

“For me, I was just stating facts, everything that I broke down, I was breaking down the journey and so people understand what point I am at in my life right now. I was literally just saying that I started as a child. So, hindi po ako nagkaroon ng chance, pagkakataon, na mag-grow into myself as an adult.

"I didn't get to experience things that normal kids get to experience because I started working at an early age and hindi po normal ‘yon. It’s not a normal thing. But I am sure there’s a lot of people that can relate. Maraming bata na napilitang magtrabaho nang maaga para maging breadwinner para sa mga pamilya nila. And that’s exactly what happened to me.” dagdag pa niya.

Pag-amin pa ng aktres, hindi niya pinangarap maging artista kundi kailangan niyang mag-artista.

"Hindi ko pangarap maging artista. I had to be an artista para mapaaral ko ang sarili ko, para mapaaral ko ang kapatid ko, para mabuhay ko ‘yung family ko. I think that’s one thing na hindi alam ng maraming tao. I think they assume na gusto kong maging artista ever since I was a kid, it's not true. Kasi it came from me, a necessity, I needed to make money for my family," aniya.

Pero nilinaw ni Liza na hindi siya nagrereklamo sa mga naging achievement niya sa showbiz sa kabila ng pagtatrabaho sa murang edad.

Grateful naman daw ang aktres sa mga blessing na nakuha niya sa pag-aartista.

"Yes I agree with everything what is happening dahil 'yon ang nakakabuti para sa akin. This is not what about what's right and what's wrong. It's just I didn't grow up normally like other people and I'm not complaining. I'm very grateful for everything that I experienced because dahil diyan napaaral ko sarili ko, nakatapos ako ng high school, dahil diyan nakabili ako ng bahay para sa family ko. Here in the Philippines and for my grandparents that are living in the states.

"I'm so grateful for that 'cause I was able to do things, at such a young age, that I wouldn't be able to do if not for this job, if not for ABS-CBN, for Tito Ogie, if not for Quen," paglalahad pa ng aktres.

"I just needed to state that I didn't discover myself on my own terms. I had to do it with the whole country looking at me. And other people telling me what was good for me and what was not good for me."

KAUGNAY NA MGA BALITA:

Bago maganap ang interview kay Liza Soberano noong Marso 7, sinabi ni Boy Abunda na nagpaalam muna siya sa ABS-CBN Executive na si Cory Vidanes; dating manager ng aktres na si Ogie Diaz; at bagong manager nitong si James Reid.