Ibinahagi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes, Marso 10, na anim pang miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity na umano’y sangkot sa pagkasawi ng hazing victim at Adamson University (AdU) student na si John Matthew Salilig ang inaasahang sumuko.

“Ang balita namin may anim pa na gustong sumuko sa hazing case,†ani Remulla.

Nagsimula nang magsagawa ng preliminary investigation ang panel ng DOJ sa mga kasong paglabag sa Anti-Hazing Act laban sa pitong suspek sa pagkamatay ni Salilig na kinilalang sina Michael Lambert Ritalde, 31; Mark Edrosa, 39; Romero Earl Anthony, 21; Tung Cheng Teng Jr., 22; Jerome Balot, 22; Sandro Victorino, 28; at Daniel Perry, 23.

Bukod sa pamilya ni Salilig, tumayo rin bilang complainant ang fraternity neophyte at AdU student na si Roi Osmon Tuazon Dela Cruz.

Matatandaang si Dela Cruz ang siyang nagkumpirma sa mga identidad ng anim na naunang suspek hinggil sa pagkasawi ni Salilig dahil sa hazing.

BASAHIN: 6 suspek sa Salilig-hazing case, arestado!

Matatandaang natagpuang patay si Salilig noong Pebrero 28 sa Brgy. Malagasang, Imus, Cavite, matapos maiulat na nawawala noong Pebrero 20.

BASAHIN: Nawawalang college student, natagpuang patay dahil sa hinihinalang hazing