Aabot sa₱2.87 milyong kontribusyon ang kokolektahin ng Social Security System (SSS) sa 14 na delinquent employer sa tatlong lungsod sa Negros Island.

Kabilang na sa nasabing halaga ang interes, ayon sa ahensya.

Sinabi ng SSS, bumisita ang mga opisyal nito sa San Carlos at Sagay sa Negros Occidental at sa Canlaon, Negros Oriental kamakailan bilang bahagi ngRun After Contribution Evaders (RACE) campaign ng ahensya.

Paliwanag naman niLilani Benedian, vice president for SSS Visayas West 1 Division, nagpadala na sila ngwritten order sa 14 na employer kaugnay sa hindi pag-re-remit ng kontribusyon at hindi pagsusumite ng monthly collection list sa ahensya.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

“They were given 15 days to respond to the written notice by visiting SSS San Carlos or Sagay branch for settlement of their delinquencies,” dagdag pa ng opisyal.

Philippine News Agency