Sa kasagsagan ng isyu ng traditional jeepney phaseout, marami sa mga netizen ang nag-post ng iba't ibang memes, throwback photos, at "hugot lines" ng kani-kanilang mga karanasan at alaala sa pagsakay sa iconic at pinakasikat na "hari ng kalsada."

Kaya naman, muling binalikan at patuloy na pinag-uusapan ngayon ang kuwento ng isang estudyanteng nagpabagbag sa damdamin ng mga netizen, matapos niyang gawing pambayad sa pamasahe ang mga tindang basahan, habang siya ay nakasakay sa isang jeep.

Ayon sa Facebook post ng isang nagngangalang "Jade De Luna" na naibahagi naman sa Facebook page na "All About The Philippines" at "The Daily Sentry," naengkuwentro niya ang isang batang babaeng nag-aaral sa Tala High School sa North Caloocan na pabulong na nagtanong sa manong driver kung puwede bang basahan na lang ang ipambayad niya.

Agad namang pumayag ang mabait na drayber. Bukod dito, binigyan din siya ng pera ng mga kapwa pasaherong naantig sa kaniyang pakiusap.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

"So, ayun🙈 nakakaiyak na nakakatuwa lang po na di siya huminto sa pag aaral kundi pinagsasabay niya ang pag-aaral habang nagtitinda ng basahan," pahayag ni Jade.

"Eh yung iba nga sa atin ay pa-chill chill lang at sagana pero nagagawa pa ring mag-cutting classes at yung iba pa diyan tinatamad pumasok. Sana gayahin natin si ate gurl and sana maging inspirasyon siya sa ating mga estudyante.💕 Di ko pinost ito para sa LIKES."

"Pinost ko ito para naman maging isang inspirasyon sa mga estudyanteng katulad ko at para na rin matulungan si ate gurl. Sana hipuin ang inyong mga puso at matulungan si ate kahit pang baon lang or gamit sa school. 💕✨"

Sa kasalukuyan ay wala nang balita kung kumusta na nga ba ang naturang estudyante, o kung nakatapos na ba siya ng junior high school at nasa senior high school na.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!