Nilabas ng United Nations women rights committee nitong Miyerkules, Marso 8, ang desisyong nilabag ng Pilipinas ang mga karapatan ng Malaya Lolas, grupo ng mga lola na naging biktima umano ng pang-aabuso at kalupitan ng mga Hapon noong World War II, dahil hindi sila pinagkalooban ng mga claim reparation, maging ng suporta at pagkilala sa dinanas nila. 

Dahil dito, ayon sa UN Committee on the Elimination of Discrimination against Women (CEDAW) sa Geneva, nararapat na bigyan ang 24 miyembro ng Malaya Lolas o ‘comfort women’ ng full reparation, kabilang na ang kompensasyon at paghingi ng tawad sa kanila.

Inisyu ng CEDAW ang desisyon matapos imbestigahan ang reklamong inihain ng Malay Lolas hinggil sa mga naging paghihirap nila mula sa Imperial Japanese Army noong .

“These victims, commonly known as ‘comfort women,’ had repeatedly raised their demands in the Philippines, asking their Government to support their claims against Japan for reparations for their suffering from the sexual slavery system during World War II,” anang komite.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon kay Marion Bethel, miyembro ng CEDAW, ang nasabing desisyon ay isang simbolikong tagumpay umano para sa kababaihang pinatahimik, hindi pinansin, isinulat at binura sa kasaysayan ng Pilipinas.

Nito lamang Pebrero ay nagmartsa ang mga lola at taga-suporta nila sa harap ng Japanese Embassy in Manila para ipanawagan din na kilalanin ang dinanas nilang pagpapahirap ng mga Hapon.

BASAHIN: Mga lolang biktima ng panggagahasa noong panahon ng Hapon, nagmartsa para sa hustisya

Sinabi naman ng embassy noon ding Pebrero na tinugunan na umano ng Tokyo ang kanilang mga hinaing, kabilang na ang reparation claims at pagkilala sa mga naranasang kalupitan ng Imperial Japanese Army.

Habang sinusulat ito ay wala pa namang pahayag ang Japanese Embassy in Manila hinggil sa nasabing desisyon ng UN committee.