Noong Marso 7, ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay nakapagtala ng kabuuang 41,471,503 subscribers ang nakapagrehistro ng kanilang SIM at nairehistro sa system na katumbas ng 24.54% ng kabuuang 168,977,773 million subscribers sa buong bansa. Ang kabuuang bilang ay mula sa pinagsamasamang datos ng mga lokal na PTEs: Smart Communications Inc., Globe Telecom Inc., and DITO Telecommunity Corp.

Ang Smart Communications Inc. ay nag-ulat ng kabuuang 21,115,477 SIMs na nairehistro na may katumbas na 31.05% ng kanilang kabuuang 67,995,734 subscribers. Ang Globe Telecom Inc. ay nakapagtala ng 17,206,202 SIM registrations na katumbas ng 19.58% ng kabuuang 87,873,936 subscribers ng Globe. Ang DITO Telecommunity Corp. ay nakapagtala ng kabuuang 3,149,824 SIM registrations o katumbas ng 24.02% ng kanilang 13,108,103 subscribers.

Samantala, kaisa ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pag gunita ng International Women’s Day ngayong ika-8 ng Marso 2023 sa pagkilala sa mga kababaihan para sa kanilang mga natatanging kontribusyon sa social cultural, economic, at political development na naghahatid ng positibong pagbabago sa ating lipunan.

Ayon sa United Nations (UN), tumaas ang paggamit ng internet ng mga kababaihan at batang babae noong panahon ng pandemya, na siyang dahilan upang tumaas ang pagkakataon na sila ay makaranas ng cyber-harassment. Kabilang na dito ang pagpapadala ng mahahalay at sekswal na emails, text messages at mga mapang-abusong interaksyon sa mga social networking sites. Sa tulong ng SIM Registration Act, ang mga kababaihan at mga batang babae ay maproprotektahan di lamang sa mga ganitong uri ng panganib, pang-aabuso at karahasan, bagkus pati na rin sa mga panloloko na ginagawa sa pamamagitan ng mga tawag sa telepono, text messages, at sa online platforms.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Gayundin, habang ang bansa ay patuloy sa masidhi nitong tawag para sa gender equality at women empowerment, inihayag ni DICT Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo ang mga inisyatibo at mga batas ng pamahalaan na nakalaan para sa mga kababaihan sa isang pagpupulong ng 7th Session of the Commission on the Status of Women (CSW67) na ginanap sa United Nations Headquarters sa New York, Estados Unidos.

“Bridging the digital gender divide is crucial to achieving gender equality and promoting economic growth. Through policies, programs, and initiatives that prioritize digital inclusion and gender equality, the Philippine government is committed to ensuring that no one is left behind, that every individual, regardless of gender, has access to and can fully participate in the digital economy,” dagdag pa niya.

(Ang pagtugon sa digital gender divide ay mahalaga upang makamit ang gender equality at maitaguyod ang economic growth. Sa pamamagitan ng mga polisiya, programa, at inisyatibo na nakatuon sa digital inclusion at gender equality, ang Gobyerno ng Pilipinas ay nakatuon sa paninigurado na walang mapag-iiwanan, ano man ang kasarian, ay may access, at may pagkakataong makalahok sa digital economy.)

Upang masiguro ang seguridad ng user data ng lahat ng subscribers, lalo na ang mga kababaihan, ang DICT ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na maging maingat at mapanuri habang nagrerehistro ng kanilang SIM. Gamitin lamang ang mga opisyal na website link ng mga PTE:

• SMART - smart.com.ph/simreg or simreg.smart.com.ph

• GLOBE - new.globe.com.ph/simreg

• DITO - https://digital.dito.ph/pto/download/app

Para sa mga tanong o report ukol sa SIM Registration, maaring tumawag sa 1326. Maaari ring tumawag sa mga numerong ito upang marating ang DICT:

SMART: 0947 714 7105

GLOBE: 0966 976 5971