Isa lamang sa bawat pamilya ang kukunin ng pamahalaan upang makibahagi sa cleanup operations sa karagatang naapektuhan ng oil spill sa Naujan, Oriental Mindoro kamakailan.

Sa pakikipagpulong ng mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) kay Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor, nagkasundo ang mga ito na kumuha ng isang miyembro ng bawat pamilyang naapektuhan ng oil spill upang tumulong sa paglilinis sa karagatan.

Paglalahad ng Coast Guard, babayaran ang mga ito bilang bahagi na rin ng cash-for-work program ng gobyerno.

Magkakaroon na rin ng malawakang cleanup operations sa dalampasigan sa Biyernes, Marso 10

Probinsya

Bagong lisensyadong guro, patay matapos pagbabarilin sa Cotabato

Kaugnay nito, sinabi ng PCG na patuloy pa rin ang kanilang paglalagay ng oil spill boom bilang bahagi ng containment at recovery operations sa naturang karagatan.

Nauna nang naiulat na naapektuhan na rin ng oil spill ang karagatang sakop ng Pola sa Oriental Mindoro at Caluya sa Antique.

Nitong Pebero 28, lumubog ang MT Princess Empress matapos masiraan at hampasin ng malalaking alon sa Naujan naglalayag mula Bataan patungong Iloilo.

Nasa 800,000 litrong industrial fuel oil ang karga ng oil tanker nang maganap ang insidente, ayon sa PCG.