Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang K-pop group na BLACKPINK bilang most streamed female band sa Spotify sa buong mundo matapos umani ang kanilang mga awitin ng 8,880,030,049 individual streams.

Sa ulat ng GWR nitong Miyerkules, Marso 8, tinalo ng BLACKPINK ang dating recordholder na British pop group na Little Mix ng 400 milyong streams.

Ayon sa GWR, ilan sa mga naging pinakapopular na awitin ng BLACKPINK ay ang "How You Like That" (746,198,263 streams), "Kill This Love" (672,084,360 streams) at "DDU-DU DDU-DU" (574,613,362 streams).

"As a band, BLACKPINK still hold multiple records including for the most subscribers for a band on YouTube as well as becoming the first K-pop group to reach No.1 on the UK albums chart (female) and the first K-pop group to reach No.1 on the US albums chart (female)," anang GWR.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

"Also, the quartet have previously held Guinness World Records titles for the most viewed YouTube video in 24 hours and the most viewed music video in 24 hours, however these records are now held by fellow K-pop band BTS for their single 'Dynamite'," dagdag nito.

Nilabas ng BLACKPINK na binubuo ng mga miyembrong sina Rosé, Jennie, Lisa at Jisoo, ang kanilang debut single album noong 2016.