Usap-usapan ngayon ang aberyang naganap sa pataas na escalator ng isang mall sa Sta. Rosa, Laguna na nagdulot ng aksidente sa ilang mall goers, matanda man o bata.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, makikita sa isang video na inupload ng isang netizen na nagngangalang "Francis Cañedo" ang aftermath nang naganap na aksidente. Sa halip na pumaitaas ay bumaba ang andar ng escalator, dahilan upang mahulog sa ibaba at madaganan ang isa't isa ng mga nakaangkas dito.

Haka-haka ng mga netizen, mukhang overloaded o malfunction ang naging dahilan nito.

“Narinig ko po na biglang naghiyawan ang mga tao at ‘yun po pala, may naaksidente na po sa escalator at nakita po namin ng asawa ko na may mga sugatan mga matanda at bata," sey ni Cañedo sa panayam ng Manila Bulletin kahapon ng Miyerkules, Marso 8.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Agad namang rumesponde sa aksidente ang security guards.

Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng SM Sta. Rosa tungkol dito.

"An incident happened in one of our escalators in SM City Santa Rosa. Our emergency response team was immediately on site and has taken all concerned customers to the hospital to have them properly examined," mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page.

"The area has been properly secured and a thorough investigation into the matter is already ongoing."