Inilibing na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang siyam na presong namatay sa National Bilibid Prison (NBP) matapos umanong pabayaan ng kanilang pamilya.
Sa pahayag ng BuCor, nagtulong-tulong ang General Services Division (GSD), Civil Engineering Section at NBP Cemetery Management Section upang mailibing sa NBP Cemetery, New Bilibid Prison Reservation sa Muntinlupa City ang siyam na namatay na preso nitong Marso 3.
Bago inilibing ang mga ito, binasbasan muna sila ni Senior Insp. Dominic Librea, BuCor Chaplain at hepe ng Moral and Spiritual Division.
Sinabi naman ni BuCor Acting director general Gregorio Catapang, bahagi lamang ng kanilang mandato ang pagbibigay ng disenteng libing sa mga namatay na preso.