CAMP GEN. VICENTE LIM, LAGUNA -- Kusang sumuko ang dalawang opisyal ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) ng New People's Army (NPA) noong Miyerkules ng umaga, Marso 8, sa Brgy. San Pioquinto, Malvar, Batangas. 

Sa ulat mula sa Police Regional Office 4A (PRO4A) kinilala ang mga sumuko na sina alyas "Maricel," SPL-San Pioquinto secretary, at alyas "Josie," vice secretary.

Ayon sa pulisya, ang kanilang pagsuko ay resulta ng kanilang joint operations kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng strategic guidance at instruction ng regional office na aktibong sinusuportahan ang peace and security strategic framework program MKKK (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, at Kaunlaran) ni Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. upang mas paigtingin ang operasyon at pagbuwag sa NPA sa Southern Luzon. 

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente