TACLOBAN CITY – Nagpasa ng ordinansa ang pamahalaang panlalawigan ng Leyte na nagtatatag ng provincial food supply at price monitoring system sa lalawigan.

Kaugnay nito, sinabi ni Gov. Jericho Petilla na naglunsad sila ng mobile digital application noong Miyerkules, Marso 7, na makikita sa kanilang website na leyteprovince.gov.ph.

Ang proyekto ay inilunsad sa ilalim ng Provincial Ordinance 2023-01 na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan noong Pebrero.

Binigyang-diin ni Petilla ang karapatan ng mga mamimili na malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin para makapagdesisyon kung saan bibili.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang PriceEAT app ay nagbibigay-daan sa mga mamimili na malaman at ihambing ang mga presyo ng pagkain at iba pang produktong pang-agrikultura sa bawat munisipalidad at lungsod.

Sa ilalim ng pagsubaybay sa presyo, ang isang mamimili ay maaaring maghanap ng mga magagamit na produkto sa mga establisyimento sa bawat munisipalidad.

Lahat ng city at municipal agriculture offices ay hinimok na lumahok at magtalaga ng mga tauhan na magmomonitor sa presyo ng mga bilihin sa agrikultura tuwing Martes at Biyernes.

Marie Tonette Marticio