Nagpahayag na ng pagnanais ang Japan at South Korea na tumulong sa isinasagawang cleanup operations sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Ito ang isinapubliko ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Antonia Loyzada nang makipagpulong kay Pangulog Ferdinand Marcos, Jr. sa Malacañang nitong Miyerkules.
Aniya, nangako ang dalawang bansa na gagawin ang lahat upang makibahagi sa paglilinis sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro at sa Caluya, Antique.
Kaugnay nito, inatasan na ni Marcos ang DENR na bilisan ang paglilinis.
Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo, pinag-aaralan na DENR na itoka sa cleanup drive ang mga makikilahok sa Balikatan exercises ngayong taon.
Paliwanag ni Loyzaga, makikipag-ugnayan sila sa United States (US) Embassy hinggil sa usapin.
Idinagdag pa ni Loyzaga, nasa pagitan ng 35,000 at 50,000 litro ng industrial fuel oil ang tumatapon sa lumubog na MT Princess Empress kada araw.
Matatandaang lumubog sa karagatang sakop ng Naujan sa Oriental Mindoro ang nasabing oil tanker na may kargang 800,000 langis matapos hampasin ng malalaking alon nitong Pebrero 28.