Maliban sa mga nagpositibo sa Covid-19, ang Bayanihan E-Konsulta ay nag-aakomoda na rin maging sa mga pasyenteng may potensyal na karamdaman sa mental health, sakit sa puso, diabetes, mga batang may sakit, bukod sa iba pa.

“Meron tayong general care para sa mga hindi pa nada-diagnose, meron din tayong specialized care para sa mga sakit tulad ng mental health, sakit sa puso, hypertension, at diabetes,” ani Dr. Keisha Mangalili sa isang video sa Facebook page ng Angat Buhay kamakailan.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Sunod niyang ibinahagi ang simpleng paraan para ma-avail ng libreng serbisyo. “Kailangan lang mag-message sa Facebook page ng Bayanihan E-Konsulta, sagutan ang mga tanong at antayin na makontak ng ating mga volunteers,” aniya.

Bukas ang linya ng Bayanihan E-Konsulta mula Miyerkules hanggang Linggo, ika-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Tinatayang nasa 150 pasyente ang napagsisilbihan ng libreng konsultasyon, salamat sa volunteers ng inisyatiba.

Ang programa ay unang umarangkada sa ilalim ng noo’y Vice President Leni Robredo bilang isa sa mga hakbang ng kaniyang tanggapan laban sa pagkalat ng Covid-19.