Inihayag ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez na magpapatuloy ang face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa lungsod ngayong Huwebes, Marso 9, kasunod ng pagtatapos ng transport strike.

Sinabi ni Olivarez na nakausap na niya si Dr. Evangeline Ladines, Department of Education (DepEd) Schools Division Superintendent, sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa lungsod.

“Noong nakaraang Sabado pa namin napagkasunduan kapag natapos ang welga ay agad nating itutuloy ang face-to-face classes, at ngayon natapos na ang tigil pasada ay babalik na uli ang ating mga mag-aaral at guro sa ating mga paaralan,” ani Olivarez .

Sinabi ng alkalde na sinuspinde ng pamahalaang lungsod at ng DepEd ang face-to-face classes dahil sa transport strike na isinagawa ng mga driver at operator ng public utility vehicles (PUV) noong Lunes, Marso 6.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Aniya pa, lahat ng pampublikong paaralan ay pinayuhan na magpatupad ng synchronous at asynchronous learning method para sa day care students hanggang sa antas ng kolehiyo.

Dagdag niya, inanunsyo ng Malacanang ang pagwawakas sa transport strike matapos ang pagpupulong sa mga lider ng transport group sa mga aksyon na gagawin ng gobyerno sa plano ng modernisasyon ng PUV.

Jean Fernando