Nasa kabuuang 140 barangay health stations (BHS) sa ikaanim na distrito ng Pangasinan ang nabiyayaan ng ipinamahaging BHS package ng Department of Health (DOH) - Ilocos Region.

Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco na ang naturang BHS package ay binubuo ng isang dressing cart, minor surgical set, mechanical bed, spine board, EENT diagnostic set, weighing scale with BMI calculator, weighing scale for infant, fetal doppler at examining table, medicine cabinet, at instrument cabinet.

Aniya, ito ay pinondohan sa pamamagitan ng Health Facility Enhancement Program (HFEP) at nagkakahalaga ng ₱28 milyon.

“The equipment will be given to barangay health stations  for them to be fully equipped and be able to provide primary care services to prevent, diagnose, treat and rehabilitate illnesses and diseases at the local level, safely and effectively,” ani Sydiongco, na siya ring nanguna sa turn-over ceremony na idinaos sa Tayug, Pangasinan noong Marso 4, 2023.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

“Our BHS act as the frontline providers of public health services at the municipal and barangay levels kaya dapat mayroon silang kumpletong kagamitan para makapagbigay ng tamang serbisyo. We also need to cope with the increasing population in order to provide them the needed health care services, that is why we are focusing on the development of primary care facilities," aniya pa.

“Kailangang ma-upgrade natin ang ating primary care facilities upang magkaroon ng functional na service delivery network para ma-maximize natin ang health resources ng bawat health facility,” dagdag pa ni Sydiongco.

Nabatid na ang papel ng BHS ay magkaloob ng preventive, regulatory, medical care services sa mga munisipalidad kabilang na ang general consultations, dental services, maternal health, family planning, nutrition, immunization, laboratory examination health promotion/education, environmental sanitation services, communicable/ non-communicable disease control at community-based rehabilitation services.

“A BHS must ensure that health care is delivered in a way that is centered on the patient’s needs and must respects their health preferences. Kaya importante na ang mga pasyente ay magkaroon ng informed choice para sa kanilang health preference,” dagdag pa ni Sydiongco.

Ang mga medical equipment para sa BHS ay inisyatiba ni 6th Congressional District under Congressman Marlyn L. Primicias-Agabas.