Nasolo ng isang Bulakenyo ang tumataginting na mahigit sa ₱109.6 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor angsix-digit winning combination na 56-41-11-48-54-58 ng UltraLotto 6/58 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyong₱109,630,146.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades Robles, nabili ng lucky bettor ang kanyang winning ticket sa Pulilan, Bulacan.

Pinayuhan rin ni Robles ang bagong lotto millionaire na upang makubra ang kanyang papremyo ay magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong ID.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

Paalala pa niya, ang lahat ng lotto winnings ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law).

Kung hindi naman aniya makubra ang jackpot prize matapos ang isang taon ay otomatiko itong mapo-forfeit at mapupunta sa kawang-gawa.

Kaugnay nito, muli ring hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games upang magkaroon na ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang UltraLotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.