Nagbalik-tanaw ang ama ng celebrity mom at youth advocate na si Anne Curtis kasunod ng kaniyang matagumpay na Tokyo Marathon finish kamakailan.

Sa isang Facebook post nitong Martes, Marso 8, ipinaabot ng amang si James Ernest Curtis-Smith ang kaniyang pride, ang 38-anyos na ngayong Kapamilya star.

“Going back 26 years to Yarrawonga Primary when my daughter Anne completed primary school at Sacred Heart School, Yarrawonga, a rural town in Australia,” pagsisimula ng ama.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Now she is a major celebrity in the Philippines, particularly in movies and TV, and was appointed as ambassador of the Philippines with UNICEF.

“In that role, the Yarrawonga girl completed her run of the Tokyo marathon foot race in Japan last Sunday and raised funds. One proud dad!!” pagtatapos ng ama.

Basahin: Pagtakbo ni Anne Curtis sa Tokyo, alay sa kabataang Pinoy; target na P1M donasyon, tatapatan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa kasalukuyan, nasa mahigit P669,000 na ang nalilikom na halaga ni Anne sa target na P1 milyon donasyon mula sa fans. Una nang pangako ni Anne, tatapatan niya mula sa sariling bulsa ang kabuuang halaga ng donasyon na malilikom.

Ilalaan sa pampagamot, legal na serbisyo at mental na interbensyon ng mga kabataan, bukod sa iba pa, ang halagang ilalagak sa pamamagitan ng mga programa ng United Nations International Children’s Emergency Fund o UNICEF.

Sa huli, isang matamis na pasasalamat naman ni Anne ang iniyahag niya sa ama sa parehong post.

“Thank you my dear father 🤍 brings me happiness knowing I’ve made you proud! ✨” anang aktres.