Nasa 92 sakong oiled debris, mga halamang dagat at gamit na oil absorbent pads ang nakolekta ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Sitio Bagong Silang, Barangay Buhay na Tubig sa Pola, Oriental Mindoro nitong Martes.

Bukod sa PCG, tumulong din sa clean-up operations ang mga volunteer mula sa Pola local government unit (LGU).

Kabilang ang Pola sa mga lugar na naapektuhan ng oil spill sa bahagi ng Oriental Mindoro.

Nitong Miyerkules, Marso 8, naglagay na rin ng oil spill boom ang Coast Guard sa bisinidad ng karagatang saklaw ng Naujan upang mapigilan ang pagkalat ng langis sa mga kalapit na lugar.

Probinsya

'Bawal judgemental?' Lalaking nilait ang katrabaho, tinaga sa ulo!

Matatandaang papunta sana sa Iloilo ang barko na galing Bataan masiraan ng makina at hampasin ng malalaking alon nitong Pebrero 28.

Ang MT Princess Empress na may kargang 800,000 litrong industrial fuel oil ay lumubog sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28.