Binigyan na ng ₱4.5 milyong ayuda ang mga pamilyang naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique.

Ito ang kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Western Visayas nitong Miyerkules.

Ayon sa DSWD, magkasama ang Crisis Intervention Section at Disaster Response Management Division (DRMD) ng DSWD Field Office Region 6, na nagtungo sa Caluya sa tulong Philippine Coast Guard (PCG) upang mamahagi ng cash assistance.

Aabot sa ₱8,070 na tulong pinansyal na binubuo ng ₱5,070 Emergency Cash Transfer at ₱3,000 Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ang natanggap ng bawat pamilya.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Nasa 570 pamilya ang nakinabang sa nasabing ayuda ng gobyerno.

“We think that providing them cash is a wise move so that they can buy food and basic necessities now that their livelihood is affected by the oil spill,” pagbibigay-diin ni DSWD regional director Carmelo Nochete.

Idinagdag pa ni Nochete na bukod pa ito sa 3,200 family food packs na ipinadala sa Caluya sa tulong ng Coast Guard.

Namigay na rin ang DSWD ng non-food items, katulad ng Personal Protective Equipment (PPEs) at modular tents.

Kumalat ang langis sa nasabing lalawigan kasunod na rin ng paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28.

Kargang ng nasabing oil tanker ang 800,000 litrong industrial fuel oil at papunta sana sa Iloilo mula sa Bataan nang masiraan at hampasin ng malalaking na naging sanhi ng paglubog nito.