Para sa online personality na si Xian Gaza, obligasyon ng gobyerno na gastusan ang hakbang nitong polisiya sa modernisasyon sa patok na jeepney.

Sa isang Facebook post nitong Martes, naglabas ng kaniyang saloobin si Gaza sa kontrobersyal na isyu.

“Nakapaglibot na ko sa iba't-ibang bahagi ng mundo at sa Pilipinas ko lang nakita na yung primary mass transportation system ng bansa ay wala sa budget ng national government,” pagsisimula ng negosyante.

Paglalarawan niya, “blood of the Philippine economy” ang patok na jeep.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Kung wala ang jeep, hindi dadaloy ang ekonomiya ng buong Pilipinas. I'm not exaggerating. That's reality. Ang majority ng sambayanang Pilipino ay araw-araw sumasakay dito,” dagdag niya.

Sumasang-ayon naman ang online personality na “napakaganda para sa ating bansa” ang panukalang porgrama ngunit sa kondisyong “dapat pondohan ng ating gobyerno mula sa buwis ng mga taxpayers” ito.

Matatandaang pangunahing aray ng mga tsuper at operator ang mula P1.1 milyon hanggang P2.5 milyon na presyo ng bawat unit. Para rito, nasa P160,000 lang ang naunang pangakong subsidiya ng gobyerno.

“Walang pondo? Nakautang nga ng trilyones ang Duterte Administration. Kung gugustuhin, maraming paraan,” pagbengga na ni Gaza sa pamahalaan.

Taong 2017, matatandaang sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte umarangkada ang programa.

“If you want to modernize the number one transportation system of our beloved nation, then our tax should fund it. The government should subsidize the entire sector. It is our duty,” pagdidiin pa ni Gaza.

“Hindi ito obligasyon ng mga jeepney drivers na araw-araw kumakayod para patakbuhin ang ekonomiya ng bansang Pilipinas,” dagdag niya.

Paglilinaw ni Gaza, hiwalay na isyu na aniya ito sa bangayan ng mga tagasuporta ng ilang politikal na kulay.

“Another sad reality for our jeepney drivers eh the banks won't approve their car loans due to lack of financial capacity. So what will happen? Loan sharks will take advantage of the situation. 5%-20% per month. Ano na lang ang matitira sa kita ng mga jeepney drivers?

“Ang daming pinondohang Build Build Build infrastructure projects pero yung jeepney modernization hindi pinaglaanan,” pagtatapos ng online personality.