Patuloy na pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang Facebook post mula sa isang netizen kung saan ibinulalas niya ang reklamo sa nabiling fried chicken sa isang matandang tinderong nagtitinda sa kanilang kanto.

Ayon sa isang Facebook page na "The Daily Sentry," hindi akalain ng netizen na nagngangalang "Ica" na makakakita siya ng mga maliliit na uod sa pritong manok na nabili niya lamang sa isang puwesto; senyales na maaaring double dead, nabubulok, o luma na ito.

Screengrab mula sa FB video ni "Ica" via The Daily Sentry

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi naman umano lingid sa kaalaman ng karamihan na may ilang mga tindahang ibinebenta pa rin ang panindang pagkain kahit na ito ay hindi bagong luto. Madalas itong mangyari sa maliliit na karinderya o karihan, lalo na sa mga nagtitinda ng pritong ulam sa kalye o bangketa. Konting init lang, ayos na!

Sa video ni Ica, makikita ang ilang mga uod na nasa loob mismo ng laman ng manok, na hindi basta-basta mapapansin kung hindi pakatititigan at hindi tatanggalin ang balat.

Upang hindi masayang ay sinikap ulit nilang prituhin ang manok subalit kahit na ganoon, hindi pa rin namatay ang mga gumagapang na organismo.

Babala ni Ica, "Mag-iingat po kayo sa mga manok na prito na binibili n'yo sa tabi-tabi! Kahit na sabihing patay na yung uod sa mantika eh uod pa rin 'yan jusko nakakasuka yung mga ganitong trabaho iniinit ng ilang araw na po ba ito??"

Screengrab mula sa FB video ni "Ica" via The Daily Sentry

Sa kabila nito, minabuti ni Ica na huwag na lamang banggitin sa post kung saan at kanino niya partikular na nabili ang ulam dahil naaawa siya sa matandang tindero at anak nitong babae. Mas mainam raw na dalhin ang reklamo sa barangay upang sila ang pormal na magsabi sa nagtitinda.

"Hindi ko na po sinama sa post kung saan nabili dahil ang tindero po ay matandang lalaki at anak na babae baka po mapagtripan, batuhin, sigawan or ipahiya s'ya doon kaya pupunta na lang po ako ng barangay nila or municipal para sila na lang po ang magpaliwanag kay Tatay!" aniya.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!