Isang salitang "sorry" na may crying emoji ang ipinost ni Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up at Kapuso actress Herlene "Hipon Girl" Budol sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Marso 7.

"Sorry ?" lamang ang inilagay ni Herlene at walang naka-tag o wala siyang binanggit na nais niyang patungkulan nito.

Ngunit sa comment section ay may kaunti at makahulugang paliwanag siya.

"This is patunay: Lahat ng bagay na ginawa mong tama mabubura ng isang pagkakamali ??."

"Itama ang Mali ang Mali ay itama."

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!

Bagama't walang binaggit, nagpaabot naman ng "virtual hugs" at comforting words ang kaniyang mga tagahanga, kung anuman ang hugot o pinagdaraanan ni Budol.