Tila nagbigay ng suhestiyon si Ogie Diaz sa mga pulitiko nitong Martes, Marso 7, para maintindihan umano nila ang pinagdadaanan ng mga jeepney driver sa gitna ng isinasagawang weeklong transport strike nitong linggo.

“Sino bang jeepney driver/operator ang walang estudyanteng pinag-aaral? Trip-trip lang ba nila ang pagpoprotesta?” ani Diaz sa kaniyang Twitter post.

“Bakit di kaya makitulog ang mga pulitiko sa bahay ng mga drivers para maramdaman nila ang hirap ng pagkita?” saad pa niya.

Matatandaang tinutulan ni Department of Education (DepEd) Secretary at Vice President Sara Duterte ang transport strike dahil balakid umano ito sa pagkatuto ng mga estudyante.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

“The transport strike is a painful interference in our efforts to provide solutions to the problems besetting our education system and will only exacerbate the learning hardships of our students,” saad ni Duterte sa kaniyang pahayag noong Marso 4.

BASAHIN: VP Sara, tinawag na ‘communist-inspired’, ‘pointless’ ang transport strike

Sinimulang isagawa ang tsansport strike ng iba’t ibang grupo ng mga tsuper at operator nitong Lunes, Marso 6, at inaasahang magtuloy-tuloy ito hanggang sa Linggo, Marso 12.

Ayon sa transport groups, isinasagawa nila ang nasabing strike upang ipanawagang ibasura na ang nakaambang jeepney phaseout na mag-aalis umano sa kanilang ikinabubuhay.

Nakatakdang ipatupad ang nasabing jeepney phaseout sa darating na Disyembre 31 upang bigyang-daan ang PUV Modernization Program (PUVMP) ng gobyerno. Sa ilalim ng programa, kinakailangang bumili ang mga operator ng consolidated entities ng modernong sasakyan na nagkakahalaga ng ₱2.4-milyon hanggang ₱2.8-milyon kada unit.