Nakompromiso ang sana'y masaya at tahimik na pangongolekta ng mga Korean pop (K-pop) merchandise ng mga fans dahil nagsimula na umano targetin ng mga kawatan ang mga ito nang malaman ang presyo, partikular na ng photocards.

Lumulobo ang mga naipaulat na nananakawan ng photocards dahil umano sa isang katatapos lamang na episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS)."

Matatandaan na naging tampok sa latest episode ng KMJS ang avid fan na si "Bea," hindi niya tunay na pangalan, na nagnakaw ng aabot sa P2 milyon upang ipambili ng mga merch.

BASAHIN: K-Pop fans, banas kay Jessica Soho at sa kaniyang team

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Sa nasabing episode, nagbanggit ang KMJS ng mga halaga ng mga photocards. Dahil dito, hindi na naging ligtas umano sa mga magnanakaw ang mga merch ng mga K-pop fans.

Sa panayam ng Balita sa isang K-pop fan, ibinahagi nito ang karanasan ng kaniyang kaibigan nahablutan ng photocard bandang Cubao.

Ayon kay Izumi, hindi niya tunay na pangalan, nagsimulang mangolekta ng K-pop merch ang kaibigan nitong si Hana taong 2020.

https://twitter.com/lhszumi/status/1632643485655531520?s=20

Pagpapaliwanag niya, ang nanakaw na photocard ay isang official merch mula sa concert ng K-pop group na ENHYPEN. Hindi man kasing mahal ng mga photocard na nabanggit sa episode ng KMJS, maituturing ni Hana na pinaka-importanteng photocard niya ito.

Paglalarawan ni Hana, lalaki ang nanghablot ng kaniyang photocard, nasa edad 30-40, at hindi naman mukhang K-pop fan.

https://twitter.com/kwonjiminlover/status/1632686945905295360?s=20

Sa reply section ng tweet ni Izumi, naghabahagi rin ng karanasan ang isa pang K-pop fan at biktima pagnanakaw ng photocard na si Mela.

Anang biktima, isang lalaki na ang edad ay nasa 40-50 ang humablot ng kaniyang photocard sa kaniyang bag.

Dahil sa halos parehong-pareho na karanasan, naging traumatic para kanila Hana at Mela ang pangyayaring iyon.

Ibang karanasan naman ang ibinahagi ni Vier, isang seller ng K-pop merch.

https://twitter.com/Vancouvierx/status/1632703176397983746?s=20

Aniya, nang magpadala ito sa isang express courier, tinanong siya ng isang staff na ang punto ay kung galing daw ba sa nakaw ang mga merch na iyon.

Samantala, agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang KMJS tungkol sa isyung ito, na mababasa sa kanilang Facebook page.

https://twitter.com/KM_Jessica_Soho/status/1633064568447713281?s=20

Hinikayat ng KMJS na iulat ang anumang insidente ng pagnanakaw sa kapulisan upang magawan ng aksyon.