Ibinahagi ng aktres na si Rita Avila ang isang pangyayari habang nasa airport, na mababasa sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Marso 6.

Aniya, isang taga-airport ang nagmagandang-loob na pasingitin na siya sa pila.

Sa halip na pumayag ay tinanggihan niya ito.

"Nagmagandang loob yung taga-airport. Pinapaalis kami sa pila para mauna na kami. Hindi kami pumayag. Mana kami kay Atty. @lenirobredo eh, pila kung pila," ani Rita.

Sundot pang paalala ni Rita, "Ganyan dapat ang mga Pilipino, may DISIPLINA at nasa TAMA. Hindi yung pasaway, singitan, unahan. Nakakahiya."

US-Iran war, patapos na; peace framework, nakatakda na ring pirmahan!

Pinuri naman ng mga netizen si Rita at sinabihang "The design is very Atty. Leni Robredo" raw.