Pumalag ang K-Pop fans sa episode ng award-winning magazine show na "Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS)" na umere noong Linggo ng gabi, Marso 5, matapos talakayin ang tungkol sa isang dalagitang nagawa raw magnakaw ng mahigit ₱2M para matustusan ang kaniyang panggastos sa pagbili ng K-Pop merch.

Trending sa Twitter ang "Jessica Soho" simula pa kagabi hanggang ngayong umaga, Marso 7, dahil sa nagpupuyos na kalooban ng K-Pop fans.

Bago ang pag-ere ng naturang episode, nag-post muna ng patikim ang KMJS sa kanilang social media platforms patungkol sa kanilang itatampok sa kanilang show.

"PAALALA: maging disente sa ating komento

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Dalagita, nakuhang magnakaw ng mahigit 2 milyong piso para matustusan ang kanyang koleksyon ng K-Pop merch?!" ayon sa kanilang caption.

https://twitter.com/KM_Jessica_Soho/status/1632320050056114176

Pinalagan ng K-Pop fans ang ulat na may K-Pop merch na aabot sa halagang ₱50k ang isa, lalo na ang isang "photocard."

Bagay na pinalagan naman ng K-Pop fans dahil maaari daw malagay sa alanganin ang K-Pop fans na nagsasabit ng photocard sa kani-kanilang bag, dahil puwede itong hablutin ng mga magnanakaw at ibenta.

Trending tuloy ang posts ng ilang netizen na nagsasabing nahablutan na sila ng photocard, sa pag-aakalang mahal ito at puwedeng ipagbili sa ganoong presyo. Nagkaroon daw ng maling ideya ang mga snatcher at kawatan na puwede itong kunin at maibenta.

Larawan mula sa Twitter

Larawan mula sa Twitter

Isang K-Pop fan naman na nagngangalang "Abi Banares” ang nagbigay ng kaniyang open letter para sa KMJS.

Samantala, agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang KMJS tungkol sa isyung ito, na mababasa sa kanilang Facebook page.