Ipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang power service interruption sa ilang bahagi ng Parañaque City ngayong Marso 8-9.

Ayon sa Parañaque Public Information Office (PIO), ipatutupad ng Meralco ang power service interruption alas-11:00 ng gabi ngayong Marso 8, Miyerkules, hanggang 4:00 ng umaga nitong Marso 9, Biyernes.

Ipatutupad ang pagkawala ng kuryente dahil sa paglilipat ng mga pasilidad sa kahabaan ng John Glenn Jr. St. sa Barangay Moonwalk.

Ang mga apektadong lugar ay bahagi ng Armstrong Avenue mula sa E. Rodriguez Avenue, kabilang ang Swiggert, S. Carpenters, Cooper at John Glenn Sr. Streets; La Casa 100 Subdivision, Mariano Centerpoint Townhomes, Scarlet Homes, Eriberta Court Subdivision, at Christina Village.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang iba pang lugar na maaapektuhan ay ang Daang Bata Street mula sa E. Rodriguez Avenue kabilang ang Cherry Homes, San Juan, San Nicolas, St. Teresa, at Sto. Nino Streets sa San Agustin Village.

Pinayuhan ni Mayor Eric Olivarez ang mga apektadong residente na gawin ang kinakailangang paghahanda bago ang nakatakdang pagkaantala ng daloy ng kuryente.

Jean Fernando