Viral online ang isang estudyante at ang kaniyang mga kagrupo dahil sa pagkilala sa kanilang mga “bebeloves” sa kanilang research paper na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens.
Kamakailan lang ay trending sa social media ang larawang post ng senior high school student, kung saan mababasa sa kanilang acknowledgement na may pa-special mention sila sa kanilang kasintahan para sa kanilang research paper.
“To our bebe loves, thank you for your constant love and support and for being always there through ups and downs of this research. Thank you for being a helpmate,” saad nito sa research.
Aniya, katatapos lang nila ng research paper at nalalapit na ang kanilang final defense. Sa kabila ng maraming rebisyon na pinagdaanan ng kanilang papel, masaya raw siya na natapos nila ito.
Nilinaw niya na naisumite na nila ang research paper at na-approve naman ito ng kanilang guro.
Narito ang ilang komento ng netizens:
"Sa mga walang bebeloves lagay niyo na lang na, " To my beloved self," cheer up guys you can still slay ket single ka."
"Hahahahahaha, wait lang mo yung akin labidabsss"
"SANA ALL MAY BEBE LOVES!"
"Sana all, HAHAHAHAHA"
"Nilagay rin naman ako sa acknowledgements, pero trauma pa din iniwan saken."
"Pakirevise ulit, sakit sa mata. HAHAHA"
"Babagsak na lang siguro ako."
"Yung thesis advisor ka tapos wala kang bebe love kaya pinaulit mo yung buong paper. Change topic."
"Now I know bakit Hindi matapos tapos yung research namen."
—
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!