Inaresto ng pulisya ng Las Piñas City ang tatlong lalaki sa isang anti-criminality drive na target ang mga wanted person noong Lunes, Marso 6.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Erwin Beltran, alyas "Toto", 46; Roberto Guillen, 57; at Reynaldo Panilagao, 28.

Ayon sa hepe ng pulisya ng lungsod na si Col. Jaime Santos, si Beltran, na tinaguriang Top 10 most wanted person, ay inaresto ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Intelligence Section (IS) bandang 3:00 p.m. sa Basa Compound, Barangay Zapote noong Lunes, Marso 6.

Sinabi ni Santos na nahuli si Beltan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ann Beatrice Aguana Balmaceda ng Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Branch 200 noong Peb. 9 dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi ni Santos na si Guillen, na nakalista bilang Top 8 wanted person, ay naaresto naman dakong 4:30 p.m. sa Malunggay St. sa Barangay CAA.

Aniya, ang arrest order laban kay Guillen ay inilabas din ni Judge Balmaceda noong Marso 2 para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Ang ikatlong suspek na si Panilagao, na nakalista bilang Top 5 wanted person, ay inaresto ng pulisya noong Martes, Marso 7, dakong 7:45 ng umaga sa San Francisco St. sa Barangay Ilaya.

Inilabas ni Judge Ricardo Aglugun Moldez II ng Las Piñas RTC Branch 197 ang warrant laban sa kanya noong Pebrero 16 para sa krimen ng frustrated homicide.

Nakakulong ngayon ang tatlong suspek sa city police custodial facility.

Jean Fernando