Nagdulot ng inspirasyon mula sa netizens ang Facebook post ng isang nag-viral na Accounting student matapos niyang balik-tanawan ang kaniyang mga pagsubok na kinaharap noon, hanggang sa unti-unti ay naabot na niya ang kaniyang tagumpay.

Noong Oktubre 19, 2017, nag-viral ang video ni "Banessa Raya" hinggil sa kaniyang pag-iyak noong nag-aaral pa lamang siya sa kaniyang kurso.

Aniya, nagsabay-sabay ang kaniyang mga alalahanin nang mga panahong iyon kaya naman hindi niya napigilang mapaiyak.

"Naalala ko 2017 nagviral yung video ko na umiiyak sa accounting, that time may cancer si mama and ako sobrang grade conscious ko para makakuha ng mataas na grade para mabigyan ko siya ng medal Minsan hirap na hirap na ako kasi di naman ako matalino, masipag lang. Nakagraduate naman ako kaso nga lang hindi na naabutan ni mama since she passed away last 2019," aniya.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

"Gumuho life ko pero buti na lang pinag-aral ako ng boss ni mama. Nakagraduate ako ng college sa FEU pero at the same time nag freelance ako magtiktok. Nabuhay kaming tatlo ng lolo at lola ko na ginamit namin ung sss ng mama ko plus income ko sa tiktok na maliit lang nuon. Nagboom mga videos ko, hindi naman ako maganda. Makulit lang. siguro talagang binigay ni Lord ‘to sakin."

"Kapag nagpapacheckup kami ng lola ko lagi ako naiinggit kapag may nakakotse kasi grabe pawis at pagod sa byahe. minsan naaawa ako sa lola ko naiinitan kaya sabi ko bibili ako kaso di pala ganun kadali."

Isinalaysay ng content creator kung paano sila nakaahon-ahon sa kahirapan kahit na wala na ang kaniyang mga mahal sa buhay na dapat sana ay pinaglalaanan niya ng panahon.

Ngayon daw ay kontento na siya sa mga nangyayari ngayon sa kaniyang buhay.

"Wala na akong hihilingin pa kundi maayos na buhay at masayang buhay, hindi ko na need ng sobrang laking bahay sobrang mamahaling gamit. Masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon. Salamat Panginoon!” aniya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 34k reactions, 11k shares, at 1k comments ang naturang FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!