Matapos ang mahabang pasasalamat ni Megastar Sharon Cuneta sa ABS-CBN na kanyang naging tahanan ng mahigit tatlong dekada, isa ang tanong ng marami ngayon, lalo ng kaniyang fans, kung saan na dadalhin ng kaniyang karera ang batikang aktres

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

Basahin: Sharon Cuneta, grateful bilang Kapamilya, pero willing magtrabaho sa ibang network – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaniya-kaniya ngang komento ang masugid na tagasunod ni Shawie sa Instagram kasunod ng kaniyang pasasalamat sa Kapamilya Network nitong Linggo, Marso 5.

Hirit na ng isang fan: “’Wag lang po sa Manny bill at station.”

Matatandaan ang pagmamay-ari na istasyon ng mga Villar na ALLTV na napabalitang pansamantalang ititigil ang ilang programa.

Tila willing naman si Megastar sakaling alukin ng trabaho sa bagong istasyon.

“Kahit naman saan basta matino trabaho. Kung saan ako kailangan at gusto. Kung may work naman sa ABS di ako aalis. ‘Di naman ako umaalis naghihintay lang pero di naman kaya maghintay forever,” ani Shawie.

Para sa isa pang fan, ito ang reyalidad aniya sa showbiz industry na anila’y darating nga ang panahon na papasukin ng ilang stars ang ibang bakuran para sa bagong mga oportunidad.

“Kahit saan kahit kelan,,ang importante po makita ka na naming,” sey ng isang Sharonian.

Sa ngayon, ani Shawie, gustuhin man niyang manatili sa ABS-CBN, ang istasyon ang may pasya umano rito.

Matatandaang sinabi rin ng aktres na nasa mahigit anim na buwan na siyang walang trabaho sa nasabing network.

“Naku ang saya-saya ko lang pag binigyan nila ako ng trabaho,” prangkang saad ni Shawie at dagdag na pahiwatig niyang pagnanais pa ring magtrabaho sa Kapamilya Network.

Nang hikayatin naman ng isang solid Kapamilya fan na manatili pa rin siya sa network, tanging saad lang ni Mega: “Kakasabi ko lang kapamilya nga ako and always will be. Pero ang pamilya 'di puede isa lang nagmamahal dapat nagmamahalan di ba?”

Sa ngayon, wala pang tugon ang pamunuan ng ABS-CBN kasunod ng mga pahayag ng beterana.