Sa pagbabalik-loob ni Anne Curtis sa pagtakbo, bitbit ng ngayo'y ina at Kapamilya actress ang inspirasyong makatulong sa mga kabataang Pilipinong nakaranas ng pang-aabuso.

Ito ang nakakaantig na pagbabahagi ni Anne matapos i-flex ang kaniyang Tokyo Marathon finish sa Japan nitong Linggo, Marso 5.

“Every single kilometre was worth it, knowing I was running to help Filipino children heal and recover through the funds WE (yes, this includes every single one of you that donated) raised together,” mababasa sa Instagram caption ng aktres matapos masungkit ang inaasam na marathon medal.

Basahin: Parang disi-otso lang! Anne Curtis, glowing momma bago ang ika-38 kaarawan ngayong buwan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Para sa ina, mas mabigat ngayon ang bitbit na inspirasyon para marating ang finish line.

“Being a mother, now as well, I couldn’t help but get emotional when I crossed that finish line. It just hit a little differently this time around. Running with a purpose bigger than just receiving a medal kept me fueled,” aniya.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit P625,000 na ang nalilikom na halaga ni Anne sa target na P1 milyon donasyon mula sa fans. Magpapatuloy ang fundraising hanggang sa susunod na 30-araw.

Pangako ni Anne, tatapatan niya mula sa sariling bulsa ang kabuuang halaga ng donasyon na malilikom.

Ilalaan sa pampagamot, legal na serbisyo at mental na interbensyon ng mga kabataan, bukod sa iba pa, ang halagang ilalagak sa pamamagitan ng mga programa ng United Nations International Children's Emergency Fund o UNICEF.

Abot-abot naman ang pasasalamat ng aktres sa kaniyang running coach, mga Pilipinong sumuporta sa kaniyang pagtakbo sa Tokyo sa Japan at higit lalo sa kaniyang pamilya: ang mister na si Erwan Huessaff at ang unica hija na si Dahlia.

Mula 2015, ang 38-anyos na celebrity mom at TV personality ang national ambassador ng UNICEF sa Pilipinas.