Tila hindi na bet ng netizens ang salitang "CEO," matapos umanong babuyin ng magkaribal na negosyante at social media personalities na kamakailan lamang ay nagpatalbugan sa concert at ngayon ay muli na namang nagparinigan sa social media.

Ang tinutukoy ng ilang netizens ay ang beauty product CEO na si Rosemarie '‘Pinakamalakas’' Tan Pamulaklakin at si Glenda ''Pinakamakinang'' Victorio, CEO ng Brilliant Skin Essentials, Inc.

Ang dalawang CEO ay napag-usapan na naman online dahil may bago umano silang parinigan sa kanilang social media account.

"Huhuhu! inaalok sakin ang UUGONG PARK.Baka para sa'kin ka talaga. May tumingin daw before pero di na-approve sa loan, i-cash ko na ba? Buhayin natin ang LOST PARADISE sa MORONG RIZAL?#PINAKAMALAKAS," caption ni Rosmar sa kaniyang Facebook post noong Marso 4.

National

Int'l lawyers group, nanawagan ng ‘absolute pardon’ para kay Mary Jane Veloso

Naitanong naman ng netizen sa post ni Rosmar na akala niyang nakuha na ito ni Ms. Glenda.

"Selfie...sa mga story maker, wala po akong UTANG at HINDI ko po kailangan umutang.  Ganyan na ba talaga kayo ka DESPERADA para siraan ako? Grabe. Ichika ba naman na di na-approve loan "daw"? Hahaha! Kaloka. Hindi ako mapagmataas pero diko need mag loan kahit 100M pa yan," caption naman ni Glenda sa kaniyang Facebook post noong Marso 5.

Kahit na walang pangalang binanggit sa kanilang viral Facebook post, kumbinsido pa rin ang netizens na patutsada nila ito sa isat isa.

Ito ang komento ng netizens matapos ang umano'y bangayan ng dalawa:

"Ayoko na tuloy yung word na CEO."

"Dapat tawag sa kanila COC, Clash of CEO."

"Totoo na downplay yung CEO."

"Ngayon ka lang makakita ng CEO na nagpapatalbugan sa concert."

"Dati pag CEO, kagalang-galang ang dating, ngayon nakakatawa na pakinggan."

"Bakit nabababoy na yung salitang CEO."