“Naghanda ang LGU sa strike, Pero higit sa pagsundo sa mga stranded at sa pagsuspindi ng klase, mas maganda kung maintidihan natin kung saan nagkaka problema.”

Ito ang pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto hinggil sa weeklong transport strike ng mga tsuper at operator na nagsimula na nitong Lunes, Marso 6.

Sa Twitter post ni Sotto, sinabi niya na hindi naman ang modernisasyon ang tinututulan ng mga transport groups kaya sila nagsagawa ng nasabing strike, bagkus nananawagan umano sila ng maayos at makamasang implementasyon nito.

"Mahalaga ang puv modernization at karamihan sa mga nakakausap kong JODA ay pabor dito, basta't maayos ang programa,” ani Sotto.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Shinare din ni Sotto sa kaniyang Twitter ang paliwanag ng anak ng jeepney driver na si Reycel Hyacenth Bendaña.

Ayon sa nasabing post, Ayon sa shinare ni Aika, upang maging “consolidated” umano ang mga transport worker bilang kooperatiba, tinatayang ₱300,000 ang kinakailanga nilang ilaan para sa cooperative fee at ₱20,000 sa bawat jeepney unit.

Bukod pa umano rito ang presyo ng modernong sasakyan na nagkakahalaga ng ₱2.4-milyon hanggang ₱2.8-milyon kada unit.

Upang makapag-loan naman daw at makapag-apply ng subsidiya ang mga kooperatiba sa bangko, kinakailangan ng Local Public Transport Route Plan kung saan maraming local government units (LGU) ang hindi pa rin tapos dito mula pa noong 2017.

Ang nasabing post ay shinare din ng anak ng anak ni dating Vice President Leni Robredo na si Aika bilang pagsuporta naman nito sa transport strike.

BASAHIN: Aika, Tricia Robredo, nagpahayag ng suporta sa transport strike