Inanunsyo ni Oriental Mindoro Gov. Bonz Dolor nitong Lunes, Marso 6, na natagpuan na ang lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

"Purihin ang Diyos at mga taong kanyang ginagawang instrumento," saad ni Dolor sa kaniyang Facebook post.

Ayon kay Dolor, habang nagsasagawa sila ng Inter-Agency Meeting, nakatanggap umano sila ng tawag mula kay DENR Secretary Loyzaga na nagsasabing natagpuan na ang lumubog na barko na MT Princess Empress.

"Matatandaang noong sabado sa tulong ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ay naipadala ang 2 mapping vessels mula sa NAMARIA. Maraming maraming salamat po," saad pa ng gobernador sa kaniyang post.

Napabalita noong Pebrero 28 ang paglubog ng MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro matapos umanong hampasin ng malalaking alon. Nagbunsod ito ng pagkalat ng mga langis sa baybayin at pagkamatay ng mga isda.

BASAHIN: Oil spill sa karagatan ng Oriental Mindoro, lumawak pa! — PCG