Matatandaang kinailangan maglabas ng pahayag ang legal na konseho ni Liza Soberano matapos ma-redtag ang aktres online.

Babalikan ang pakikiisa ng aktres noong 2020 sa isang webinar ng women’s rights group na Gabriela na may paksang “Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voice on the International Day of the Girl Child.”

Dito, emosyonal na nanawagan ang aktres para sugpuin ang mga pang-aabusong nararanasan ng kabataan at kababaihan hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba't ibang bahagi ng mundo.

“As a woman, as a Filipino artist, I think that women and influencers alike should start speaking up. They can contribute not only awareness about these issues, but also encouragement and confidence to our fellow women and children — that they need to learn to stand up for themselves,” buong-tapang na saad noon ng aktres.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kasunod nito, isang pahayag ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. sa social media account ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang umagaw ng atensyon online.

"Let us not red-tag Liza Soberano. It's not fair to her. She is merely supporting advocacy for women's rights. She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet. So let's help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women's Party," bahagi ng pahayag noon ng militar.

Fast forward ngayong 2023, natanong nang diretsa ang aktres ukol sa isyu.

“I honestly got very scared of that. Napansin ng mga tao na naging less vocal ako especially when it comes to politics,” ani Liza nang matanong ni Bea Alonzo sa kaniyang YouTube appearance nitong Linggo, Marso 5.

“I know the brave thing would have been like to continue doing that but right now more than anything I have to educate myself first on these issues before I speak up,” dagdag niya.

Matatandaang kinondena rin ng ilang mambabatas ang tahasang insidente ng red tagging kabilang sa pangunguna nina Gabriela Rep. Arlene Brosas  at Sen. Risa Hontiveros.

Huling naging bokal sa kaniyang politika si Liza nang hayagang suportahan ang kandidatura ni noo’y presidential candidate at Vice President Leni Robredo noong May 2022 national elections.