Trending ngayon ang agarang pagbura ng English singer-actor na si Harry Styles sa Instagram story ng kaniyang selfie na nakasuot ng simpleng itim na t-shirt na nagpapakita ng bawat miyembro ng dating grupo ng One Direction.

Ang “He deleted it,” ay trending sa Twitter at iba pa katulad ng, “Harry’s” at “The Shirt” kung saan ang ilang mga tagahanga ay nagtataka na marahil ay sinadya niyang ibahagi ang larawan o siya’y nagkamali na dapat sa ‘close friends’ lamang ito ibabahagi.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

https://twitter.com/PopBase/status/1632541835297169408?s=20

Ang mga fans ng One Direction ay umaasa sa anumang pahiwatig ng muling pagsasama-sama ang miyembro nito mula nang napagdesisyunan ng grupo na sila ay "hiatus" noong Enero 2016.

Ang ilang mga fans ay natuwa naman na binalikan ni Harry ang dating grupo, habang ang iba nama’y haka-haka na ang IG story ay nagpapahiwatig ng comeback ng limang miyembro.

Ngunit ang karera ni Harry ay mas lalong umarangkada mula noon, kung saan ang singer ay bihirang banggitin ang kaniyang nakaraan sa One Direction, na nagpaintriga sa mga fans kung ano ang ibig sabihin ng larawan.

Matatandaang ang singer ay pinasalamatan ang kaniyang One direction bandmates sa kaniyang speech nito lamang nakaraang buwan matapos tanggapin ang karangalang Artist of the Year sa BRIT Awards 2023.

BASAHIN: Harry Styles, pinasalamatan ang One Direction sa BRIT Awards: “I wouldn’t be here without you!”