Kinondena ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) Chairperson Vladimer Quetua nitong Lunes, Marso 6, ang pahayag ni Department of Education at Vice President Sara Duterte laban sa kanilang pagsuporta sa transport strike.

BASAHIN: VP Sara, tinawag na ‘communist-inspired’,‘pointless’ ang transport strike

“Madam secretary, napapahamak lang po kayong lalo sa panggigigil ninyo sa amin gayong wala naman kaming ginagawang masama," mensahe ni Quetua kay Duterte.

"Mabuti pa po ay tugunan na lamang ninyo ang patung-patong naming liham sa inyong opisina kaugnay ng mga kulang at delayed na benepisyo ng mga guro, hindi pa lumalabas na IRR sa career progression, salary upgrading, at lalung lalo na ang kawalan pa rin ng klasrum sa maraming klase, lalo na sa Visayas.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon pa kay Quetua, nakapagtataka umano kung bakit walang pagpapahalaga si Duterte sa karapatan ng mga tao na magprotesta sa opresyon gayong abogado raw ito.

“VP Duterte is a lawyer but we wonder why it seems that she has no appreciation of the working people’s right to strike in the face of unbearable exploitation and oppression, while these are guaranteed even by our Constitution and numerous international instruments," ani Quetua.

"Moreso, we are puzzled at how she can claim as a statement of fact her ungrateful assertion that ACT, which has 180,000 public school teacher members, is nowhere near in the service of the interest of the learners and the education sector,” dagdag niya.

Tinutulan din ng ACT ang akusasyon ni Duterte na wala umano silang tunay na pagpapahalaga sa kapakanan ng mga estudyante.

“Sec. Duterte is only inviting the ire of our public school teachers with her accusation as it is a statement of fact that it is through the sacrifices of our teachers that education is still delivered despite being failed by the government,” ani Quetua.

Binigyang-diin din ni Quetua na huwag umanong gamitin ni Duterte ang sitwasyon ng mga estudyante at kaguruan sa paghamak sa transport strike.

BASAHIN: VP Sara sa transport strike: ‘Kawawa ang mga estudyante, guro’

"Ang totoo, araw-araw kaming pinahihirapan ng DepEd at gobyerno sa kapos na sweldo, sobra-sobrang trabaho at kulang na badyet sa edukasyon.

Kung talagang naaawa po kayo sa amin, mabuti pang aksyunan na lamang ninyo ang aming delayed na Performance-based Bonus 2021, kulang na Service Recognition Incentive, hindi pa ibinibigay na rice assistance, at suportahan ang pagtataas ng sweldo ng mga guro at kawani,” saad ni Quetua.