Gaano ka kabilis mag-type sa iyong computer o laptop? Kaya mo bang magtipa sa keyboard kahit may piring ang iyong mga mata?

Sa makabagong panahon ngayon, halos wala na yatang propesyon ang hindi gumagamit ng computer at laptop, sa on-site man o work-from-home. Isang mahalagang skill at advantage na rin kung maalam ka sa paggamit ng mga makabagong kagamitang ito.

Subalit alam mo bang noong wala pang laptop o maging computer, ang ginagamit ng mga tao sa mga paaralan o opisina ay "makinilya" o typewriter?

Sa katunayan, nagkaroon pa ng asignaturang "Typing" noon.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Ayon sa Facebook page na "Definitely Filipino," binalikan ng netizens ang masayang typing class noon sa page naman ng "Nostalgia Philippines."

Makikita sa larawang ibinahagi ang mga mag-aaral na nakapiring ang mga mata habang tumitipa sa keys ng makinilya sa paaralan, ayon sa post ng netizen na si "Popoy Peros."

"Ang hirap ng exam nuon sa typing, nakapiring. Hindi ko inabot ang ganyan pero nag makinilya ako professionally nuong 1998 gamit ang "tuldok system" ika nga at natuto lang akong gumamit ng computer year 2005 na, buti nakahabol pa," aniya sa caption.

Screengrab mula kay Popoy Peros via FB page ng Nostalgia Philippines

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Relate much… hindi makapagpahaba ng kuko…"

"Did you guys see the typists who accepted typing jobs along the sidewalks of Recto and Sta. Cruz Manila areas a long time ago? They have no formal schooling as obviously seen in their style of typing but I tell you, they were fast, accurate and neat on their work."

"Saludo ako sa mga makinilya users. Mga legends kayo lalo na itong mga naka-piring."

"Legends yung nakaabot niyan… pati na rin yung mga gumamit ng IBM selectric typewriter… yari sa amin yung Adler at Olympia na typewriter bumabalabag."

Ikaw, naranasan mo na rin bang mag-type sa makinilya?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!