Ang mandatory Subscriber Identity Module (SIM) card registration ay magtatapos sa loob ng 51 araw, sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga Pilipino nitong Lunes, Marso 6.

“Ang deadline ng SIM Registration ay sa April 26, 2023, ibig sabihin, mayroon pa tayong 51 araw. Hinihikayat namin ang mga subscriber at end-user ng aming lokal [public telecommunication entities] na magparehistro dahil malapit na ang deadline,” sabi ni DICT Undersecretary at Spokesperson Anna Mae Lamentillo

Ang DICT, base sa kanilang pinakahuling tally, ay nakapagtala na ng 40,498,324 SIM registrants. Ito ay katumbas ng hindi bababa sa 23.97 porsiyento ng 168,977,773 subscribers sa buong bansa.

Ang mga card na hindi mairerehistro bago matapos ang mandatoryong panukala ay awtomatikong made-deactivate ayon sa SIM Registration Law. Noong unang bahagi ng Enero, sinabi ni Lamentillo na hindi pa nila nakikita ang posibleng deadline ng pagpaparehistro ng SIM.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Charie Mae F. Abarca